Martes, Pebrero 22, 2011

Ang Talambuhay ni Princess Joy S.Barcelon












Isinilang sa San Pablo City Laguna noong ika-7 ng Hulyo taong 1994 na si Princess  Joy Barcelon ,bunga siya ng mabuting  pagsasamahan na magkabiyak na si Rogelio M. Barcelon tubong San Pablo at si Maribeth H. Samia mula sa Mindoro,Occidental.

Ito ako noong ako ay 3 taong gulang.
Ako ay  lumaki sa San Pablo kung saan pinili ng aking mga magulang manirahan sa bayan ng aking ama.Tumira kami sa Sat. Monica ,Bimboo Compound.Kung saan don na din lumaki at nag kaisip ang ama ko.Doon din ako ipinanganak hanggang mag aral.Doon ako natuto at doon ko rin una binuo ang aking mga pangarap doon din natutong sumulat,maglaro at gawin ang mga bagay-bagay.Nag arala ko sa Bagong Lipunan Elemantary School.Dito Nahubog ang aking pagkatao at madaming natutunang aral sa buhay.

Kasama ko dito si mama at ang aking kapatid na si Priamay.
Ako at ang aking pamilya.Kami ay nag swimming sa Countryside.
Ito ay ang aking kapatid na si Arryou.
Noong grade 1 ako naalala ko yung lagi akong inaaway at naglalaro ako noon sa kama ,na out balance kaya nagging dahilan ito kung bakit nagkaroon ako ng pilat sa aking baba.Ang hindi ko malimutan akoy nagkaroon ng  parangal 1st Honor ako sa klase at nung grade 2 ako naalala ko noong kinaladkad ako ng aking kaibigan.Syempre lumaban ako at puro pag aaway ang nangyari sa akin noon.Nang grade 3 ako madalas naman kaming pinapalo sa kamay kaunting pagkakamali lang at pinaka ayaw kong guro talaga si Mrs. Esleta.Noong grade 4 ako dito sa taong ito nagloko ako kaklase ko kasi yung pinsan ko napasama ako sa barkada lagi kasi kaming nag ka cutting.Pumupunta kami sa ilog doon kami naliligo at kumakain pag hapon na saka lang kami uuwi tapos nalaman ng aming guro .Pumunta yung guro naming sa aming bahay sinabi kami kung napahamak daw kame o anumang mangyari sa amin ay sagutin niya.

Nagalit ang mga magulang naming ang nangyari napalo kami.Simulang nangyari hindi na ako pumupunta sa ilog.Naiintindihan ko din na baka dito masira ang kinabukasan ko at magsisi sa mga kasalanang ginawa ko.Nang tumungtong ako ng grade 5 lagi akong pinupuri ng guro ko na si Ms. Avenido dahil nagagandahan daw siya baka binobola lang ako.Nang tumuntong ako ng grade 6 una kong natutunan ang computer noon ay natatakot ako na hawakan ang mouse pero nung nagtagal dina ako natakot hawakan ang  mouse hanggang natuto ako.Ang pinaka Masaya sa pagiging elementarya ko ay magkakaroon ako ng bagong kapatid.Sana nga ay lalaki at nasunod naman ang aking gusto.Kaya tatlo na kaming magkakapatid.Ang graduation day ay nagdulot din sa akin ng kasiyahan dahil lahat ng pagtitiis at pagkatapos ng paghihirap ay makakmit ko na ang minimithi kong diploma March 26,2007 ang petsa ng akoy magtapos.Noong mga panahong din iyon  naisip ko ang bagong buhay na aking haharapin at bagong  kaibigan at bagong pagsubok.Kasabay nito nalulungkot ako dahil maiiwan ko na ang paaralan na kinamulatan ko na ng karunungan at ng mga karanasang nag iwan ng magagandang alaala at ng mabuting aral.Pati na din ang bagong kaibigan na hindi ko alam kung paano ko  pakikitunguhan.Noong elementary ako lagi kaming magkasama ng kaibigan ko pumupunta kami sa may kantahan at ang paborito kong kantahin ay Yesterday naalala ko ang aking 1st lab.Si Matthew Lim isa syang Chinese Labis ako talagang huhanga sa kanya at naalala ko na mahilig din akong magbasa ng Bibliya.May isang libro sa amin na hindi ko maintindihan ito ay ang libro ng Mormons.Kung ano ang ipinahahatid na mensahe at kung ano talaga ang nilalamang nito.Ang pagkakaalam ko lang na may nagturo sa tatay ko na isang misyonerong amerikano at ito ang dahilan kung bakit kami nagkaroon nito.

Lumipas ang panahon  tumuntuong ako sa high school noon enrolan ang hirap siksikan ang haba ng pila maaga  kaming pumunta sa Dizon.Pagkatapos ng enrolan sumapit ang pasukan Naexcite ako pero andon pa din ang lungkot dahil wala pa akong kaibigan at bago pa lamang ako.Di nagtagal nagkaroom din ako ng kaibigan .Naging maayos ito 1-K ako noon at nagging crush ko noon ay 4-C si John Robert Untiveros.Humanga ako dahil sa kagwapuhan nito at mabait din naman sya sa akin.Syempre nasaktan din ako ng magka-gf  at aalis na sya.Dumating yung panahon na nasa 2nd year student ako dito ko naranasan ang una kong pag-ibig.Syempre Masaya pero dumating din ang panahon na nagpatunay na hindi talaga kami ang para sa isa’t isa .Natutunan ko na maghintay sa tamang lalaki at tamang panahon.Bata pa naman ako at may asim pa.JOKE!!Ang pagibig ay ang nagging inspirasyon ko kung bakit ako nag aaral ng mabuti.Nang 3rd year ako nagging isa akong estudyante na nagsusunog ng kilat tuwing gabi.Nagdulot naman ito nang mabuti iniwasan ko muna ang makipag relasyon.Pero ang pinakamasakit sa lahat ay ang napabalitaan kong aalis na kami.Nang malaman ko iyon parang guguho ang mundo ko dahil ang lugar na iyon ay nagging bahagi na nang aking buhay.Doon ako natuto ng kahit ano.Nagbabakasyon kami noon sabi nang may ari hangganng Abril na lang kami kaylangan na naming umalis dahil daw nakasangla sa bangko ang lupa nila at umalis naman kami.Marso 18 2010,lumipat kami noong unang araw ko sa bahay naming naalala ko ang bahay naming sa Sta. Monica pero ngayon nasa Barleta Subd. Na ako .Naisip ko bagong buhay at bagong pakikisama naisipko na lang na wala na akong magagawa  pa.Siguro ito ang plano nang Diyos at hind ko alam kung ano ang magiging buhay ko sa bagong nilipatan namin.Ang una kong nagging kaibigan ay si Manel  syempre di maiiwasan na magkaroon ng bagong kakilala.Buwan ng Mayo nagkaroon ng libot at sayawan sa gabi.Magkakasama kaming magkaibigan.

Pasukan na naman at nasa ika apat na antas na ako nakita ko na yung nga  dati kong kaklase kahit papaanoy na miss ko din sila.Naging maayos naman ang pagpasok ko.Pagkaawas ko lagi akong napunta sa kabarkada ko .Parati kaming nanunuod ng sayaw.Nakipagkilala sa akin ang nagtuturo ng sayaw bilang tanda na gusto ko syang makilala.Lagi nya akong buwan ng September  debut ng aking kaibigan at natutwa ako dahil nagging bahagi ako,kami ng kanyang selebrasyon.Pagkatapos noon nagkasakit ako isang lingo akong di nakapunta sa aking kaibigan .Sabi nang aking kaibigan meron daw guston manligaw.Binigyan ko sya nang pagkakataon.Hindi din naman nagtagal ang aming relasyon.


Ito ang aking kaibigan na si Gene.
Pagtapos ito nang aming swimming.
Ako ito nung bago kami mag swimming.


Sumapi ako sa relihiyon na Mormons at ako lang ang mormons sa amin.Dahil dito napalapit sa ako sa Diyos at natagpuan ko din dito ang aking kaligayahan.Marami akong natutunan.Ngayon Masaya ako at nag aaral talaga nang mabuti at ngayon nalalapit na ang aking pagtatapos.Gusto kong ibalik ang kabutihan ng aking magulang at sa Diyos na gumagabay sa akin.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento