Martes, Pebrero 22, 2011

Ang Talambuhay ni Princess Joy S.Barcelon












Isinilang sa San Pablo City Laguna noong ika-7 ng Hulyo taong 1994 na si Princess  Joy Barcelon ,bunga siya ng mabuting  pagsasamahan na magkabiyak na si Rogelio M. Barcelon tubong San Pablo at si Maribeth H. Samia mula sa Mindoro,Occidental.

Ito ako noong ako ay 3 taong gulang.
Ako ay  lumaki sa San Pablo kung saan pinili ng aking mga magulang manirahan sa bayan ng aking ama.Tumira kami sa Sat. Monica ,Bimboo Compound.Kung saan don na din lumaki at nag kaisip ang ama ko.Doon din ako ipinanganak hanggang mag aral.Doon ako natuto at doon ko rin una binuo ang aking mga pangarap doon din natutong sumulat,maglaro at gawin ang mga bagay-bagay.Nag arala ko sa Bagong Lipunan Elemantary School.Dito Nahubog ang aking pagkatao at madaming natutunang aral sa buhay.

Kasama ko dito si mama at ang aking kapatid na si Priamay.
Ako at ang aking pamilya.Kami ay nag swimming sa Countryside.
Ito ay ang aking kapatid na si Arryou.
Noong grade 1 ako naalala ko yung lagi akong inaaway at naglalaro ako noon sa kama ,na out balance kaya nagging dahilan ito kung bakit nagkaroon ako ng pilat sa aking baba.Ang hindi ko malimutan akoy nagkaroon ng  parangal 1st Honor ako sa klase at nung grade 2 ako naalala ko noong kinaladkad ako ng aking kaibigan.Syempre lumaban ako at puro pag aaway ang nangyari sa akin noon.Nang grade 3 ako madalas naman kaming pinapalo sa kamay kaunting pagkakamali lang at pinaka ayaw kong guro talaga si Mrs. Esleta.Noong grade 4 ako dito sa taong ito nagloko ako kaklase ko kasi yung pinsan ko napasama ako sa barkada lagi kasi kaming nag ka cutting.Pumupunta kami sa ilog doon kami naliligo at kumakain pag hapon na saka lang kami uuwi tapos nalaman ng aming guro .Pumunta yung guro naming sa aming bahay sinabi kami kung napahamak daw kame o anumang mangyari sa amin ay sagutin niya.

Nagalit ang mga magulang naming ang nangyari napalo kami.Simulang nangyari hindi na ako pumupunta sa ilog.Naiintindihan ko din na baka dito masira ang kinabukasan ko at magsisi sa mga kasalanang ginawa ko.Nang tumungtong ako ng grade 5 lagi akong pinupuri ng guro ko na si Ms. Avenido dahil nagagandahan daw siya baka binobola lang ako.Nang tumuntong ako ng grade 6 una kong natutunan ang computer noon ay natatakot ako na hawakan ang mouse pero nung nagtagal dina ako natakot hawakan ang  mouse hanggang natuto ako.Ang pinaka Masaya sa pagiging elementarya ko ay magkakaroon ako ng bagong kapatid.Sana nga ay lalaki at nasunod naman ang aking gusto.Kaya tatlo na kaming magkakapatid.Ang graduation day ay nagdulot din sa akin ng kasiyahan dahil lahat ng pagtitiis at pagkatapos ng paghihirap ay makakmit ko na ang minimithi kong diploma March 26,2007 ang petsa ng akoy magtapos.Noong mga panahong din iyon  naisip ko ang bagong buhay na aking haharapin at bagong  kaibigan at bagong pagsubok.Kasabay nito nalulungkot ako dahil maiiwan ko na ang paaralan na kinamulatan ko na ng karunungan at ng mga karanasang nag iwan ng magagandang alaala at ng mabuting aral.Pati na din ang bagong kaibigan na hindi ko alam kung paano ko  pakikitunguhan.Noong elementary ako lagi kaming magkasama ng kaibigan ko pumupunta kami sa may kantahan at ang paborito kong kantahin ay Yesterday naalala ko ang aking 1st lab.Si Matthew Lim isa syang Chinese Labis ako talagang huhanga sa kanya at naalala ko na mahilig din akong magbasa ng Bibliya.May isang libro sa amin na hindi ko maintindihan ito ay ang libro ng Mormons.Kung ano ang ipinahahatid na mensahe at kung ano talaga ang nilalamang nito.Ang pagkakaalam ko lang na may nagturo sa tatay ko na isang misyonerong amerikano at ito ang dahilan kung bakit kami nagkaroon nito.

Lumipas ang panahon  tumuntuong ako sa high school noon enrolan ang hirap siksikan ang haba ng pila maaga  kaming pumunta sa Dizon.Pagkatapos ng enrolan sumapit ang pasukan Naexcite ako pero andon pa din ang lungkot dahil wala pa akong kaibigan at bago pa lamang ako.Di nagtagal nagkaroom din ako ng kaibigan .Naging maayos ito 1-K ako noon at nagging crush ko noon ay 4-C si John Robert Untiveros.Humanga ako dahil sa kagwapuhan nito at mabait din naman sya sa akin.Syempre nasaktan din ako ng magka-gf  at aalis na sya.Dumating yung panahon na nasa 2nd year student ako dito ko naranasan ang una kong pag-ibig.Syempre Masaya pero dumating din ang panahon na nagpatunay na hindi talaga kami ang para sa isa’t isa .Natutunan ko na maghintay sa tamang lalaki at tamang panahon.Bata pa naman ako at may asim pa.JOKE!!Ang pagibig ay ang nagging inspirasyon ko kung bakit ako nag aaral ng mabuti.Nang 3rd year ako nagging isa akong estudyante na nagsusunog ng kilat tuwing gabi.Nagdulot naman ito nang mabuti iniwasan ko muna ang makipag relasyon.Pero ang pinakamasakit sa lahat ay ang napabalitaan kong aalis na kami.Nang malaman ko iyon parang guguho ang mundo ko dahil ang lugar na iyon ay nagging bahagi na nang aking buhay.Doon ako natuto ng kahit ano.Nagbabakasyon kami noon sabi nang may ari hangganng Abril na lang kami kaylangan na naming umalis dahil daw nakasangla sa bangko ang lupa nila at umalis naman kami.Marso 18 2010,lumipat kami noong unang araw ko sa bahay naming naalala ko ang bahay naming sa Sta. Monica pero ngayon nasa Barleta Subd. Na ako .Naisip ko bagong buhay at bagong pakikisama naisipko na lang na wala na akong magagawa  pa.Siguro ito ang plano nang Diyos at hind ko alam kung ano ang magiging buhay ko sa bagong nilipatan namin.Ang una kong nagging kaibigan ay si Manel  syempre di maiiwasan na magkaroon ng bagong kakilala.Buwan ng Mayo nagkaroon ng libot at sayawan sa gabi.Magkakasama kaming magkaibigan.

Pasukan na naman at nasa ika apat na antas na ako nakita ko na yung nga  dati kong kaklase kahit papaanoy na miss ko din sila.Naging maayos naman ang pagpasok ko.Pagkaawas ko lagi akong napunta sa kabarkada ko .Parati kaming nanunuod ng sayaw.Nakipagkilala sa akin ang nagtuturo ng sayaw bilang tanda na gusto ko syang makilala.Lagi nya akong buwan ng September  debut ng aking kaibigan at natutwa ako dahil nagging bahagi ako,kami ng kanyang selebrasyon.Pagkatapos noon nagkasakit ako isang lingo akong di nakapunta sa aking kaibigan .Sabi nang aking kaibigan meron daw guston manligaw.Binigyan ko sya nang pagkakataon.Hindi din naman nagtagal ang aming relasyon.


Ito ang aking kaibigan na si Gene.
Pagtapos ito nang aming swimming.
Ako ito nung bago kami mag swimming.


Sumapi ako sa relihiyon na Mormons at ako lang ang mormons sa amin.Dahil dito napalapit sa ako sa Diyos at natagpuan ko din dito ang aking kaligayahan.Marami akong natutunan.Ngayon Masaya ako at nag aaral talaga nang mabuti at ngayon nalalapit na ang aking pagtatapos.Gusto kong ibalik ang kabutihan ng aking magulang at sa Diyos na gumagabay sa akin.



Lunes, Pebrero 21, 2011

ANG ISTORYA NG BUHAY NANG NAG IISANG WESTLY:")

Wala ng mas sasaya ang mabuhay ng payapa. haha!!!. Ako masayahin akong tao kung minasan masungit pero laging maasahan sa lahat ng oras . Yon kasi ang kinalakihan ko . Masaya at mrami akong karansan sa aking kabtaan tulad ng pag kakaroon ng kaaway yong bang konting ulot lang ng mga ka-ibigan mo eh pandali na agad. At syempre ndi lang naman laging nadiyan ang saya na my takot haha!! tulad ng paliligo sa ilog tas bigla kanalang itutulak ng masalw mong kasama na pag ahon moy ngal-ngal na haha!!! napag uwi mo ko pa e nag aantay  ang mama na may hawak na urang haha  tsk!! kawawa naman ako  . Pero ayos lang pag katapos naman ng pag iyak eh may nakaantay na miryenda . Pero nong akoy mag 9-10 taon eh sa mga lolat lolo na ako tumira maasikaso naman silat mabait sa akin sila na ang nag alaga sa akin ng ilang ding taon naging masaya naman ako sa panga-ngalaga nila saakin lalo na sa mga pag aalaga sa akin ng mg tiyahhin ko . Kaya lang ako napatira sakanila gawa ni papa dinala ako don , don daw muna ako kasi nga pala away daw ako hahaha!!!  pero ndi ako masamang tao .Dala lang yon nang kabataan  lahat naman siguro eh dumaan sa ganong level eh . At ndi lang siguro yon ang dahilan kaya ako sinama ni papa kina lola palipat lipat kasi kaming bahay eh yan ang mahirap sa walang permanenteng bahay ... Walang permanenteng kaibigan . Pero kahit na ako eh sa mga lolo ko tumira ndi naman nila kayang palitan ang pag mamahal ng isang magulang kaya bumalik ako saamin 12 na ako non .. Dito ko kilala ang mga kaibigan kong mga astig haha!! na pag may nkitang dayo eh gustong sapakin haha!!! sumama ako sakanila nkita ko namang indi sila ganong ka angas meron din namang natutuhan sakanila haha !!! yon eh napag ndi mo kaya ang kalaban eh gamitin ang dalawang paa para tumakbo hahaa!!grade  5 to 6 haha. si Crush dumaan haha snob ang totoy hahaha dumaan si love busted si kuya whahaha!! ayaw daw sa hindi nya ka age hahaha!!! .highschool life na!!! bagong level na nang buhay ko hanep !!! ang daming magaganda!! hahah!!!! ayaw daw sa pandak haha !!! . Wow!!! 1st gf masaya ,problema,. sakit na ulo , at pag minsan eh  sakit din ng katawan , masaya dail laging siyng nadiyan para itanong kong   kumain ako hahaha!! syet ang sweet nya!!! kaya pala tinanong mag papalibre lang!!! hahahaha !!!  2nd year na hahaha badtrip  my backsubject hahaha pumasa naman nd 2ndyear dala pdin si math 2 ,,,,  3rdyear nag droped ako dahil sa trobol hahaha!! nag 3rdyear ulit ako wow sa bukid ha! na pag umalis ka ng bahay eh malinis ang paa mo walanjo!!! pag apsok ng roomparang dumaan ka sa palayan ang paa mo nag tutomg sa putik haha!! nkakainis yon wala na yong pogi points ko hahaha!! 4rthyear na graduating!!!! ang tanong gagraduate nga ba? hahaha!!! malalaman din yan pag katapos ng finnal deliberation hahha!!! tinawag kona lahat ng santo para  ndi akomakasama don hahah !!! koso iglesia ako pag bibigyan kaya ako? haahaha!! sigurado akong pasa ako kay sir Lacsam hahaha!! ano sir?????.. YAN ANG ISTORYA NANG NAG IISANG AKO!!  




                                                                                                                  

Linggo, Pebrero 20, 2011

"Talambuhay ni: BhingIlahmunda

**ito ang larawan ng aking pamilya na nagsasama ng masaya**
**ito ang larawan ng aking kapatid na panganay na kasama  ang kanyang anak at asawa**
Bago man ako nakabilang dito sa mundong ibabaw ay nagkakilala muna ang aking mga magulang at di nag tagal ay nabighani ang aking ama sa ganda at kabaitan ng aking ina,sa lugar ng San Pablo City.Ngunit ang aking ina pala ay nagbabakasyon lamang pala dito sa Laguna at sa camarines norte,daet pala ito nakatira.Mga ilan araw umuwi na ulit ang aking ina sa Camarines norte,daet.pagkatapos magbakasyon ang aking ina sa San Pablo City kaya sinundan naman ng aking ama ang aking ina sa tunay na tinitirahan ng aking ina.dinalaw at agad-agad na nanligaw ang aking ama sa aking ina.di  nagtagal ay napasagot agad ng aking ama ang aking ina dahil sa kanyang pagtyatyaga.kinalaunan ay nagbalak ng magpakasal aking mag magulang.Ngunit ang aking lolo ay hindi pumapayag na magpakasal ito sa aking ama.Ngunit wala silang nagawa sa pagmamahalan kaya’t natuloy parin ang kasalang pinandigan na nila.Noong January 3.Mga ilan taong nakalipas ay  binalak nila na gumawa ng biyaya ng Diyos sa kanilang pagsasama nagkaroon ng pangunang anak na si Maureen Maurize M.Munda ipinanganak noong Setyembre 24 1989.Ngayon ay mayroon na itong asawa na si Nicko Abarintos di nagtagal ng pagsasama nila ay nag karoon na rin sila ng anak na babae na pinangalanan. Mary Charlotte M.Abarintos ipinanganak noong April 2 2007.
Pagkalipas ng limang taon ay sinundan ng aking ama’t ina ng pangalwang anak na si Bhing Ilah M.Munda at ipinanganak noong Marso 29 1994 sa San Pablo City.Noong ako ay inalabas ng aking ina sa kinasasapunan ay nagandahan ang mga Nurse sa aking “Biloy”kaya nag desisyon ang aking mga magulang na ang gawing aking palayaw ay “Dimple”.Nung ako’y apat na buwan palaman ay nagpasys ang  aking magulang na ako ay pabinyagan sa simbahan ng katoliko at kinatawangnang isang Kristyano.Pagkatapos nito umuwi na kami at pagdating sa aming bahay ay maraming iginayak na handa ang aking magulang,madaming bisita,mga regalo  at nandoon rin ang aking mga magagandang ninang at naggwagwapuhan ninong.
Noong ako ay anim na taong gulang palamang ay pinapasok ako ng aking magulang sa Brgy.Sta.Isabel San Pablo City upang matuto ng maraming kaalaman,Nung ako ay pumasok ayokong iwan ako ng aking ina sa eskwelahan .Ngunit hindi lang pala ako ang batang umiiyak tuwing iniiwan ng magulang.Noong dumating na ang araw ng pinakaiintay kong sandali ako ay nakatapos ng Day Care.
Sa pagdating ng elementarya ako ay nagkaroon ng ibat ibang katangian naging maaalalahanin ,naging matulungin sa kapwa.Nang dumating ang araw ng pasukan ng elementary noong 2001,maraming tao akong nakilala,tulad ng mga kaibigan,sa lahat ng aking naging kaibigan ay nagkaroon ako ng maaasahang kaibigan na sina geralg at lovely,Nakilala ko sila sa eskwelahan ng Antonio Manuel Magcase elementary school.makatapos ng aking unang baiting aybinalik ako ng aking ina sa grade 1 sa kadahilanang wala lamang kasabay ang anak ng aming kapitbahay na si Julie ann capal. “nakakainis isipin no”.
Noong dumating ang ikalawang baitang mas marami akong nakilalang kaibigan at marami na rin akong nakalarong mga kamagaral ko,mga laro gaya ng Chinese,lastiko atkung anu anu pa.Pagkatapos ng eskwela ako ay nakapasa at naging ikatatlong baitang.Pagkalipas ng kalhating buwan ng aking pagpasok ay lumipat kami ng bahay sa Sto.Cristo San Pablo City.Noong ika-setyembre 19 2004,sa kadahilanang nagpasyang maghiwalay ang aking magulang ,dahil sa kagwapuhan ng aking ama na si Bernie Munda ay kinasanayan niyang mangbabae kaya ang aking ina ay sumuko na sa pagsasama nila.masakit sa aming kalooban ang ginawa nilang desisyon.Sa aking ina kami sumama at hindi madali samin ang paghihiwalay ng aming magulang.
Ikaapat na baitang ,mas marami akong nakilalang palakaibigan,maaalahahanin,mababait at masisipag na taon na masasabihan ng problema gaya na lamang ng aking nagging kaibigan na sip aula na pinagbubuhatan ng kamay ng kanyang tito kaya sa aming bahay ko siya pinapatuloy tuwing sinasaktan ito at lagi ko siyang tinutulungan. Sa aking kalayasan ako ay sumama sa aking eskwela upang mamasyal at kami ay sumakay sa tricycle ng kanyang tito,Ngunit nung kami ay pabalik na ay nakita ko ang aking ina sa kantuhan na naglalakad papuntang tindahan,Sa aking pagkatakot sa aking magulang ako ay nakatalon sa tricycle ng diinaasahan habang ito ay umaandar ng ako ay napahiga na sa sahig ay dumaan sa aking likuran ang mga gulong,nang Makita ako ng aking ina ay kumaripas ito ng takbo at tinawag ang kanyang pangalwang asawa para ako ay ihatid sa hospital. Nang ako ay nasa hospital na ako ay umiyak dahil sa ako ay tinurukan sa may braso nakakahiya ako ay napasigaw na sa sakit.”ANG SAKIT KAYA”.

Ika-limang baitang ay may nakaraan akong hindi malilimutan noong ako ay sinaksak sa braso ng ballpen ng aking kaklaseng bakla dahil sa pagkakamali niya ngn sagot sa matemtika at ako naman ang may alam ng tamang sagot dahil saken pinacocorect ng guro ko.Umabot sa hindi pagkakaunawaan kaya niya ito nagawa,nang malaman ng aking ina ito nagalit dahil dugon-dugo at baka lumala kaya pinabili agad ng gamut ang ina ng aking kaklase.Kinalaunan ng ito ay gumaling humingi ng despensa ang magulang ng kaklase ko,tinangap ko ang kanyang pagpapaumanhin.Nagpatuloy na ang aking pagaaral.naging first honorable ako.”yun lang naman kaya”.
**ito ang larawan noon ako ay ika-anim na baitang sa Sto.cristo Elem.School**
Ika-anim na baitang napakasaya ko at ako ay makakagraduate na,marming kompetisyon akong nasalihan gaya na lamang ng makabayan,agham,matematika at anu anu pang paligsahan.Noong recognition nagkaroon ako ng pagkakataon mag MC,magkumpas ng pambansang awit,nakag docsology kasama sina maricon reyes at si mutya candelaria at nagiging lider sa mga patimpalak o programa sa aming eskwelahan.Dumating ang araw n gaming pagtatapos sa elementary grabe nakakaiyak lalo na nung pinatugtog na ang kantang “Iingatan ka” na para sa mga magulang at “Yesterday Dreams” para sa kabataan.dami kayang alaala nung elementary.Nang ako ay nakagraduate na kami ay lumipat na ulit ng bahay sa Brgy.2-a Guadalupe 2 noong Abri 07 2006.Hay naku bagong pakikisama nanaman sa mga kapitbahay.
Noong bakasyon kame ay nagswimming sa”Villa Silvia” kasama mga katarbaho ng momy ko,may nakilala akong mga anak ng mga kasama ng aking momy.Masaya ang lameg ng TubIg.At Pagkatapos ng bakasyon dumating na ang araw ng aming pasukan.Nagenrol ako sa Col.Lauro D.Dizon Memorial National High School para magsimula ng unang taon ng sekondarya nagging 1-B nakasali sa “Shindig”.Naging 2nd year bumaba ang aking antas dahil sa napabayaan na ang pagaaral.Di katagalan  nagkaroon na ako ng mga tunay na kaibigan na sina angela Clarizze Aquino ng 4-a,Aina LLalaine Abano na nakatira nasa Lucena,Cristine Alidio na pumapasok nasa San Ignacio,kUya Patrick,mark,emman ng 4-c.Lahat sila ay may mga mabubuting ugali,mapagkakatiwalaan at marunong silang makisama.Sila rin ang pinagsasabihan ko ng aking mga problema.Nagpatuloy pa rin ako sa pagaaral,nagtiyaga upang makapasa.
3rd year ,”grabe”unang beses ko palamang makasali dito ang saya pala.Ngunit noong una iniisip ko may magsasaywa kaya saken pero noong nagsisimula na ang saya kase hindi ko akalaing marami palang may gusting sumayaw saken.Nakakakilig pa nung isinayaw ako nang “ex” ko na si John Reinel Cuevas.May kAi-biga ako noon na si CorTEz ng 4-d “nakakainis”sya.Marami kaming litrato ng mga kaibigan ko,best friend,pinsan,crush at kAi-bigan.Pagkatapos ng aming “js” kami ay dumeresto ng mga pinsan,kapatid ko at kasama daddy ko sa Lake.”LAKAS NG TRIP”.

**ito ang larawan ng kami ay nag tapusan sa guadalupe 2-a,nagsuot ang babae ng panlalake at ang lalake naman ay nagsuot lamang ng "bra"
**ito ang larawan noon kami ay nagreunion at nagbalak na magswimming sa talon ng aking mga kamember sa kubol**

**ito ang larawan noon kami ay na ngangandidato ,kasama ko ang kapatid ng aking kasintahan**
Nagbakasyon ako sa Sta.Isabel at di nagtagal ako ay umuwi na rin sa Guadalupe 2,pagdating ko roon ay naging myembro ako sa kubol at ang pangalan ng grupo ay “Guadapianz”.Nagkakataon na kami ang pinagkakatiwalaan na magdasal,magayos ng mga pila at mamigay ng mga handa sa mga bata.Nagkabonding din kami at nag yayakagan na magswimming sa “TALON” kung tawagin doon sa San Grabiel,lahat kaming myembro ay magkakasama at pareparehas na naka damit na asul at may litrato pa.May mga nadudulus at nabubuslot sa butas ng mga “KATANGahan”may mga tumatalon ng napakataas,naku never kong ginawa yun nakakatakot kaya.dumating na yung araw ng tapusan simple lang pero Masaya my “tarpaulin”pa kami nakapanlalake ang mga babae at ang mga lalake naman ay naka”BRA”lamang,”ANG SAYA NO”.Noon lang din ako pinayagan ng aking mommy na magkarOon ng boyfrieng na si “JOHN RHANEL HARABE TUBAY” at hanggang ngayon ay kami parin 9months na kaming nagsasama.

**ito ang larawan ng ako ay sumali sa js ng ako ay ikatatlong taon sa highschool,kasama ang aking mga kaibigan na sina khim,carla at alyssa**


**ito ang larawan ko ngayon sa ikaapat na taon sa high school at ako ay makakapagtapos na**
4th year nakakakaba pala ito lalo na pag hindi nakapagaral ng mabuti at mapasama sa “deliveration”ang daming magiging sakripisyo.Ngunit sarap ng pakiramdam kase makakaakyat na ako ng entablado habang inaabot ang diploma”THANKS GOD”.nakakatuwang isipin na kahit marami dumudating na pagsubok ay hindi ko parin makuwang  sumuko.Salamat sa Panginoon at hindi niya ako pinapabayaan.